Friday, May 25, 2018

How I escaped my 15 years of insulin!



“Lahat kinakain ko...wag lang lason...”

Ito ang lagi kong nababanggit sa tuwing ako ay tinatanong kung ano ang gusto kong kainin...at dumating sa punto na ako ay nagkaroon ng diabetes sa edad na 27. Mula noon, naging kabigan ko na si pareng insulin dahil wa epek na sa akin ang metformin....

Ngayon ako ay 42 years old at nananatiling dabarkads ko pa rin si pareng insulin...sa umaga at gabi...turok dito, turok doon...hanggang dumating sa point na almost 1 1/2 months akong nasa bahay lang...di na nakakapasok sa school, parating nakahiga dahil tinamaan na rin ng vertigo...hinang-hina kahit katatapos lang kumain...

Dumating ang Jan. 1, 2018...habang kalakasan ng mga paputok ay nagpunta ako sa rooftop namin at kinausap si Lord, “Ayaw ko na ng ganitong buhay Lord! May panggastos at pambili ka ng gusto mo pero mahinang mahina naman.”

The Lord has been so good...and the rest is a history...


Ang akala ko na kapag kumain ka sa mamahaling restaurant o eat all you can ay kailangan lamon to the maxx...parang wala ng bukas...

Na kapag kumain ka ng crispy pata o lechon ay sosyal na sosyal ang dating mo dahil mahal nga naman...

dumating na ang panahon...

Naalala ko na ang kinamatay ng Lola ko ay diabetes...2 years ago nawala din ang Dad ko na may colon cancer....

Kailangan bang may mawala upang matuklasan mo ang tunay na kalusugan?

The day I realized na kapag ang tao gusto ng tunay na pagbabago sa anumang aspeto ay dapat na makaranas ng pain and suffering....

Aanhin mo ang karunungan? Mga titulong nakakabit sa iyo? Ang kayaman...kung ikaw mismo hindi makabangon sa iyong higaan? Nais mong maglingkod ngunit hanggang dito na lamang ang iyong kalakasan?

Yan ang mga bakit and why’s kung bakit mo binabasa ito...
Yes, madali ka naman mag suggest o magbigay ng payo...ngunit kung ako mismo ay ayaw pang magbago...wa epek ika nga...

Sabi ko nga sa Mom ko, “Mom, kung alam lang sana ni Dad ang tamang pagkain and lifestyle.".sana buhay pa siya ngayon.”

sana...sana...at walang katapusang sana...

Ngunit kung darating sa point ng iyong buhay na ang sana ay mapalitan ng “dapat”....the “how” will surely follow...


abangan ang last part...

No comments:

Post a Comment